PPCRV aminadong wala pang nakikitang aberya sa resulta ng halalan

By Den Macaranas May 16, 2019 - 02:59 PM

Radyo Inquirer

Nilinaw ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na wala silang nakitang discrepancies sa pagitan ng physical election returns at electronically transmitted results kaugnay sa katatapos na halalan.

Sinabi ni PPCRV media director Agnes Gervacio na ito ay base sa kanilang inspeksyon sa mga natanggap nilang datos kaugnay sa eleksyon.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 15-percent ng kabuuang bilang ng physical election returns ang natanggap na ng PPCRV.

Ang mga PPCRV volunteers ang taga-encode ng mga election returns na nagmula naman sa transmitted result ng Comelec servers.

Dagdag pa ni Gervacio, “Everything is matching. We have no reason to have any concern whatsoever.”

Pati ang kondisyon ng mga physical election returns ay nasa maayos na kalagayan ayon pa sa nasabing opisyal ng PPCRV.

Sa inilabas na datos kaninang umaga ay umaabot na sa  85,568 ng kabuuang 86,769 local clustered precincts ang nakpagpadala na ng kanilang have transmitted results.

Habang hinihintay pa ang ilang mga kopya mula sa resulta ng oversees absentee voting.

TAGS: 2019 midterm elections, election returns, gervacio, PPCRV, tranparency servers, 2019 midterm elections, election returns, gervacio, PPCRV, tranparency servers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.