Ito ay base sa nakuhang datos ng Philippine National Police (PNP) mula sa apat na rehiyon sa bansa.
Ayon kay PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac nakapagtala sila ng 225 na vote-buying incidents at may naaresto silang 356 ng katao.
Sa kabuuan ay aabot ng P12,208,958 ang nakumpiskang pera ng pulisya hanggang noong araw ng martes, May 14.
Nakasaad din sa datos na may pinaka-malaking halaga ang nakumpiska sa Region 13 o Caraga na umaabot ng halos P8-milyon.
Pumapangalawa dito ang Region 10 (P1,125,718), Region 1 (P561,000) at ang National Capital Region (P541,100).
MOST READ
LATEST STORIES