P12M nakumpiska ng PNP sa mga insidente ng vote buying

By Jimmy Tamayo May 16, 2019 - 11:55 AM

Aabot sa P12-milyon ang nakumpiska sa serye ng mga vote-buying sa katatapos na midterm elections.

Ito ay base sa nakuhang datos ng Philippine National Police (PNP) mula sa apat na rehiyon sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac nakapagtala sila ng 225 na vote-buying incidents at may naaresto silang 356 ng katao.

Sa kabuuan ay aabot ng P12,208,958 ang nakumpiskang pera ng pulisya hanggang noong araw ng martes, May 14.

Nakasaad din sa datos na may pinaka-malaking halaga ang nakumpiska sa Region 13 o Caraga na umaabot ng halos P8-milyon.

Pumapangalawa dito ang Region 10 (P1,125,718), Region 1 (P561,000) at ang National Capital Region (P541,100).

TAGS: PNP, Radyo Inquirer, vote buying, PNP, Radyo Inquirer, vote buying

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.