Dalawa arestado sa tangkang pagpuslit ng ilegal na droga para sa isang preso sa Angono
Arestado ang dalawang katao sa bayan ng Angono sa Rizal makaraang mahuling magde-deliver ng ilegal na droga sa isang preso.
Ayon kay Rizal Provincial Director Police Colonel Lou Frias Evangelista, ang mga nadakip ay sina Divina Dizon, 52 anyos; Marimar Santos, 21 anyos at si Jeffrey Dizon.
Isang impormante ang nagsumbong sa mga otoridad na dadalhan ni Divina ng ilegal na droga ang anak niyang nakakulong sa Angono Custodial Facility na si Jeffrey Dizon.
Dahil doon, inalerto na ang mga otoridad sa nilangguan at nang dumating si Divina, ininspeksyon ang gamit nito at Nakita ang anim na maliliit na sachet ng hinihinalang shabu na nasa loob ng pakete ng instant noodles.
Agad dinakip si Divina, habang ang suspek na si Santos na nasal abas ng pasilidad at naghihintay kay Divina ay inaresto rin.
Si Santos ay nakuhanan din ng dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Mahaharap sa kaso ang dalawang nadakip na suspek habang madaragdagan ang kasong kinakahap ng nakakulong na si Santos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.