Germany nangangailangan ng mga nurse at care workers ayon sa POEA

By Dona Dominguez-Cargullo May 16, 2019 - 10:57 AM SHARE(S):

Aabot sa 50 nurses at 300 care workers ang kailangan sa Germany.

Base sa abiso ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) maaring magsumite ng requirements sa kanilang website ang mga interesadong mag-apply.

Ayon sa POEA aabot sa 2,000 euros o mahigit P100,000 ang sweldo.

Kabilang sa hinahanap ay graduate ng Bachelor of Science in Nursing at may PRC License, mayroong minimum na dalawang taon na related professional experience at dapat handang sumailalim sa German Language Training.

Kamakailan inanunsyo din ng POEA na ang bansang Japan ay nangangailangan din ng 50 nurses at 300 care workers. (END/DD)

TAGS: care workers, Germany, Japan, Nurse, POEA, Radyo Inquirer, care workers, Germany, Japan, Nurse, POEA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.