VCM nasunog matapos ang pagsabog sa isang paaralan sa Zamboanga Del Sur
Isang pagsabog ang naganap sa paaralan sa Zamboanga del Sur na nagresulta sa pagkasunog ng Vote Counting Machine na ginamit noong nakaraang eleksyon.
Nangyari ang pagsabog Miyerkules, May 16 ng gabi sa isang silid-aralan sa San Pablo Central Elementary School kung saan nakatago ang walong VCMs at iba pang paraphernalia na ginamit noong May 13.
Ayon kay Police Maj. Helen Galvez tagapagsalita ng Police Regional Office 9, ang pagsabog ay nasundan ng sunog dahilan para matupok ang osa sa mga VCM.
Ang iba pang gamit ay hindi naman napinsala.
Nilinaw naman ni Galvez na ang mga VCM at gamit na nasa silid-aralan ay pawang depektibo at hindi gumana noong nakaraang eleksyon.
Agad din namang naapula ang sunog makalipas ang 10 minuto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.