Defense Sec. Lorenzana naka-confine sa ospital para sa serye ng pagsusuri

By Dona Dominguez-Cargullo May 16, 2019 - 10:28 AM SHARE(S):

Nasa ospital ngayon si Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Kinumpirma ni Lorenzana na siya ay naka-confine sa Veterans Memorial Medical Center at sumasailalim sa executive check-up.

Nilinaw naman ni Lorenzana na bahagi lamang ito ng routine check-up matapos siyang magpasuri dahil sa eye problem.

Sinabi ni Lorenzana na nagpasuri lamang siya ng mata at sinabihan siyang kailangan niyang sumailalim sa full checkup at maaring stress-related ang kaniyang nararanasan.

Itinanggi rin ni Lorenzana ang balitang siya ay inatake sa puso.

Ani Lorenzana pinayuhan lamang sya ng mga duktor na magpahinga.

TAGS: Delfin Lorenzana, eye check up, full check up, Delfin Lorenzana, eye check up, full check up

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.