Kadete ng PNPA nasawi habang nasa training

By Dona Dominguez-Cargullo May 16, 2019 - 09:58 AM SHARE(S):

Nasawi ang isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) matapos ma-stroke sa kasagsagan ng training.

Base sa ulat, pumanaw si Al-Rasheed Macadato, 21 anyos makaraang mag-collapse habang nagjo-jogging sa PNPA Oval.

Maliban kay Macadato mayroon pang apat na iba pang kadete na nag-collapse din noon.

Dinala agad silang lima sa dispensary para sa first aid treatment.

Si Macadato na kritikal ang naging kondisyon ay isinugod sa ospital pero pumanaw din.

Nagrereklamo naman ang pamilya ni Macadato dahil hindi sila agad natawagan sa nangyari sa kanilang anak.

Pero ayon kay Police Lieutenant Colonel Byron Allatog ng PNPA, sinunod lamang nila ang standard operating procedure sa nangyari kay Macadato.

TAGS: Al-Rasheed Macadato, PNPA, Al-Rasheed Macadato, PNPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.