PDEA nagsagawa ng surprise drug testing sa MICP

Nagsagawa ng drug testing at K9 sweeping ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Manila International Container Port (MICP) sa Maynila.

Ito ay alinsunod sa kanilang proyektong Oplan Harabas.

Pinangunahan ni PDEA Director General Aaron Aquino, ang drug testing sa mga tricycle drivers at mga truck drivers na sakop ng MICP.

Ayon kay Aquino, sinumang magpositibo sa nasabing drug testing ay hindi naman huhulihin.

Pero agad naman nila itong ipapasailalim sa counselling at kukuhanin ang lesensya para hindi na muna makapagmaneho.

Read more...