Recall sa mga ambassador at consul ng Pilipinas sa Canada iniutos na ng DFA
Ipinag-utos na ni Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin ang recall sa lahat ng ambassador at consul ng embahada at konsulada ng Pilipinas sa Canada.
Ito ay makaraang mabigo ang pamahalaan ng Canada na tumalima sa May 15 deadline ng pamahalaan para kuhanin ang kanilang basura na nasa Pilipinas.
Sa tweet ni Locsin, inaatasan ang lahat ng opisyal ng embahada at konsulada sa Canada na mag-book na ng flight pauwi ng bansa.
Hatinggabi nang ilabas ang letters of recall para sa lahat ng ambassador at consuls ng Pilipinas.
Sinabi ni Locsin na sa susunod na mga araw ay dapat nakauwi na ang mga opisyal.
Magugunitang hanggang May 15 ang ibinigay na deadline ng gobyerno sa Canada para kuhanin ang mga basura.
Sinabi ni Locsin na seryoso ang pangulo sa mga pahayag nitong dapat na gumawa ng hakbang ang Canada para mahakot ang mga basura.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.