“Duterte Magic” hindi tumalab sa ilang kandidato

By Chona Yu May 16, 2019 - 08:42 AM

Matapang, palaban at hindi nagpapatalo sa social media si Mocha Uson pero talo sa nakaraang halalan matapos bigong makakuha ng kahit isang pwesto sa Kongreso ang kanyang partylist group na AA Kasosyo.

Base sa partial result ng Comelec, as of 5:26 ngayong May 16, nasa ika-73 puwesto ang AA Kasosyo na may 0.43 percent na boto.

Malayo sa kailangan na one percent ng kabuuang bomoto sa katatapos na May 13 midterm elections.

Nakakuha lang kasi ang AA Kasosyo ng mahigit 117,000 na boto na malayo din sa 5.7 million followers ni Uson sa Facebook.

Base sa FB post ni Uson, bagama’t bigo, nagpapasalamat pa rin siya sa mga sumuporta sa kanyang Partylist group.

Tuloy lamang aniya laban, tuloy ang pagmamahal sa bayan at tuloy ang boses ng ordinaryong Filipino.

Si Uson at ang kanyang Partylist group ay mahigpit na ikinampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte subalit hindi nanguna sa katatapos na halalan.

Kinunan ng pahayag si Uson ng Radyo Inquirer subalit wala pa itong tugon.

Una rito, hindi makapaniwala si Presidential Spokesman Salvador Panelo na natalo si Uson.

Ayon kay Panelo, maaring naging over confident si Uson sa milyong followers sa FB kung kaya hindi nag-concentrate sa pangangampanya.

Samantala, talo rin si Antonio Floirendo bilang kongresista ng Davao Del Norte na pambato ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Tinalo ni Aldo Dujali si Floirendo.

Talo rin ang pambatong gobernador ni Pangulong Duterte sa Bohol na si dating Cabinet Secretary Leoncio Jun Evasco.

Base sa resulta ng Comelec, tinalo ni Arthur Yap si Evasco sa botong 326,000 kontra kay Evasco na nakakuha lamang ng mahigit 324,000.

Matatandaang ipinahiya pa noon ni Pang. Duterte si Yap at sinabing hiniling na itaas ang kanyang kamay bagay na hindi ginawa ng Punong Ehekutibo dahil kay Evasco ang kanyang suporta.

Hindi rin pinalad na manalong mayor ng Cagayan De Oro ang dating campaign manager ni Pang. Duterte na si Pompee Lavina.

Base sa resulta ng comelec, tinalo ni Oscar Moreno si Lavina sa boto na 157,000 kumpara sa manok ni Pang. Duterte na nakakuha lamang ng 89,000 na boto.

TAGS: 2019 midterm elections, Duterte magic, elections, 2019 midterm elections, Duterte magic, elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.