Pinakamatinding tagtuyot sa nakalipas na 37-taon naranasan sa NoKor

AP Photo

Matinding tagtuyot sa nakalipas na ilang dekada nararanasan sa North Korea

Nakararanas ngayon ng matinding tagtuyot sa North Korea na itinuturing na pinakamalalang tagtuyot sa nakalipas na 37 taon.

Ayon sa United Nations, ang tagtuyot ay nagpapalala pa sa nararanasang food crisis at maaring lumala pa ang sitwasyon sa susunod na mga buwan.

Ayon sa Korean Central News Agency ang naranasang buhos ng ulan sa North Korea ay 2.1 inches lamang ngayong taon na pinakamababa simula noong 1982.

Wala ring inaasahang pag-ulan hanggang sa katapusan ng buwan.

Batay sa pahayag ng UN, 10 milyong North koreans o 40 percent ng populasyon nito ang dumaranasng food crisis.

Ito ay dahil sa matinding epekto na ng tagtuyot sa pananim.

Read more...