Gov. Manuel Mamba nagwagi muling gobernador ng Cagayan

By Dona Dominguez-Cargullo May 16, 2019 - 08:00 AM SHARE(S):

Naiproklama bilang nagwaging gobernadora sa Cagayan si re-electionist Gov. Manuel Mamba.

Batay sa Certificate of Canvass of Votes matapos makalap na lahat resulta ng botohan sa 28 bayan at isang lungsod sa Cagayan, nakakuha si Mamba ng kabuuang boto na 256,103.

Ang kaniyang mga katunggali na si 3rd District Congressman Randy Ting ay nakakuha ng 167, 872 na boto habang si dating Governor Alvaro Antonio ay may botong 91,973.

Nagpasalamat naman si Mamba sa lahat ng sumuporta sa kaniya nitong nagdaang eleksyon.

Nangako din ang gobernadora na ipagpapatuloy ang lahat ng nasimulan niya sa lalawigan.

TAGS: Cagayan, Local elections, Manuel Mamba, Cagayan, Local elections, Manuel Mamba

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.