Reserba ng kuryente sa Luzon grid manipis pa rin; yellow alert itinaas ng NGCP
By Dona Dominguez-Cargullo May 16, 2019 - 07:53 AM
Nananatiling manipis ang reserba ng kuryente sa Luzon ngayong araw ng Huwebes, May 16.
Itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert sa Luzon.
Ang pag-iral ng yellow alert ay mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.
Ayon sa NGCP, mayroong available capacity ng kuryente sa Luzon na 11,625 megawatts habang ang peak demand ay 11,293 megawatts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.