Mainit at maalinsangang panahon mararanasan sa buong bansa ngayong araw – PAGASA

Apektado pa rin ng ridge ng high pressure area ang eastern section ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw ang buong bansa kasama na ang Metro Manila ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Ang biglaan at malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng landslides at flash floods.

Kahapon araw ng Miyerkules, naitala ang 34.9 degrees Celsius na pinakamainit na temperatura sa Metro Manila.

Read more...