Suspek sa pagpatay sa tiyahin ni Efren “Bata” Reyes arestado sa Olongapo

By Dona Dominguez-Cargullo May 16, 2019 - 06:32 AM

Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng NCRPO Regional Intelligence Division (RID), NCRPO Regional Drug Enforcement Unit at Station 1 ng Olongapo City Police Office ang isang dating pulis na suspek sa pagpatay sa tiyahin ni Efren “Bata” Reyes.

Ayon kay NCRPO chief, Police Maj. Guillermo Eleazar nadakip ang suspek na si dating Patrolman Elias Gamboa, 45 anyos sa manhunt operation ng mga otoridad sa West Bajag Bajac, Olongapo City.

Ang suspek ay dating naka-assign sa Meisic Police Station, Station 11 ng Manila Police District.

Si Gamboa ay wanted dahil sa kasong pagpatay sa 60 anyos na biktimang si Victoria Pangilinan, tiyahin ni Efren “Bata” Reyes noong taong 2005 sa Maynila.

Nagkaroon umano ng relasyon si Gamboa kay Pangilinan at bago nangyari ang pamamaslang ay nagtalo ang dalawa na nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima ng 19 na beses.

Simula 2005 ay nagtago na sa iba’t ibang lugar ang suspek.

TAGS: Killer of Efren Bata Reyes' Aunt, mahunt operation, murder case, NCRPO, Olongapo City, Killer of Efren Bata Reyes' Aunt, mahunt operation, murder case, NCRPO, Olongapo City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.