9 na pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Rodriguez, Rizal

By Dona Dominguez-Cargullo May 16, 2019 - 05:31 AM SHARE(S):

Natupok ang ilang mga bahay sa Barangay Burgos sa Rodriguez, Rizal.

Ayon sa Rodriguez Fire Bureau, nagsimula ang sunog alas 2:50 ng madaling araw kanina (Huwebes, May 16) sa bahagi ng F. San Juan Street sa gilid ng Burgos Elementary School.

Siyam na pamilya ang nawalan ng tirahan bunsod ng nasabing sunog.

Alas 4:22 naman ng madaling araw ng maapula na ang apoy.

Umapela ng tulong sa lokal na pamahalaan ang mga nasunugan dahil karamihan sa kanila ay halos walang naisalbang gamit.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang natupok.

TAGS: fire incident, Radyo Inquirer, Rodriguez Rizal, fire incident, Radyo Inquirer, Rodriguez Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.