2 patay, 2 kritikal sa pagsalpok ng AUV sa tulay sa Ilocos Norte

By Len Montaño May 16, 2019 - 04:43 AM SHARE(S):

Patay ang 2 katao habang sugatan ang 5 iba pa matapos sumalpok ang isang AUV sa railing ng tulay sa Burgos, Ilocos Norte Miyerkules ng hapon.

Dead on arrival sa ospital ang 6 anyos na anak ni Mary Grace Maderazo.

Sa mga sugatan, 2 ang kritikal kabilang ang ina ni Grace na si Florida at tiyahing si Marie na ikakasal na sana sa driver ng sasakyan na si Cesar Oaquera.

Lumabas sa imbestigasyon na nakatulog ang driver kaya sumalpok ito sa tulay.

Mahaharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

TAGS: AUV, Burgos, ilocos norte, nakatulog, sumalpok, tulay, AUV, Burgos, ilocos norte, nakatulog, sumalpok, tulay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.