17-anyos na lalaki arestado dahil sa droga sa Quezon City

By Rhommel Balasbas May 16, 2019 - 04:36 AM SHARE(S):

Arestado ang isang 17-anyos na lalaki sa buy-bust operation na isinagawa ng pulisya sa Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Nakilala ang menor de edad sa alyas na ‘Damo’.

Ayon sa QCPD Station 7, positibong nakabili ang poseur buyer ng P500 halaga ng hinihilang shabu mula sa binatilyo.

Nakatanggap ang pulisya ng ulat ukol sa pagbebenta ng droga ng suspek.

Nakuha mula kay Damo ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at isang bloke ng hinihinalang marijuana.

Aminado ito sa paggamit niya ng iligal na droga na kalauna’y nauwi sa pagbebenta.

Mahaharap ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ngunit dahil menor de edad ay isasailalim muna sa kustodiya ng Deparment of Social Welfare and Development (DSWD).

TAGS: 17 anyos, alyas Damo, arestado, bloke ng marijuana, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Cubao, dswd, sachet ng shabu, 17 anyos, alyas Damo, arestado, bloke ng marijuana, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Cubao, dswd, sachet ng shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.