AWOL na pulis sugatan sa pamamaril Quezon City

By Rhommel Balasbas May 16, 2019 - 04:31 AM

Sugatan ang isang dating pulis matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek pasado alas-10:00 ng gabi ng Miyerkules sa Brgy. Salvacion, Quezon City.

Nakilala ang biktima na si PO2 Melvin Castillo na kumain lamang sa isang mami house bago ang insidente.

Pasakay na ito ng kanyang sasakyan nang dumaan ang riding-in-tandem at malapitan na pinagbabaril.

Nagtamo ang biktima ng apat na tama ng bala sa kanyang tiyan habang dalawa sa dibdib.

Maswerteng hindi natamaan ang parking attendant na kasama ng pulis.

Ayon kay QCPD Station 1 chief Lt. Col Camlon Nasdoman, matagal nang AWOL (absent without leave) si Castillo at huling nagsilbi sa Regional Police Intelligence Operatives Unit (RPIOU).

May nagsabi rin anya na kasama ito sa ipadadala sa Mindanao kaya ito nag-AWOL.

Isinugod si Castillo sa Chinese General Hospital at patuloy na ginagamot.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa pamamaril.

TAGS: AWOL, dating pulis, mami house, Regional Police Intelligence Operatives Unit, riding in tandem, sugatan, tambangan, AWOL, dating pulis, mami house, Regional Police Intelligence Operatives Unit, riding in tandem, sugatan, tambangan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.