Nagkaroon ng oil spill mula sa isang barko ng Singapore na may Chinese crew sa bahagi ng Bucao River sa Botolan, Zambales.
Ayon sa DENR-Central Luzon, nakadaong ang barko para sa dredging operation at naghihintay ng permit mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kinumpirma ng DENR na 5 drum ng langis ang tumagas mula sa barko at kumalat sa dagat.
Nagreklamo na ang mga mangingisda dahil amoy langis ang nakukuha nilang mga isda.
Nakipag-ugnayan na ang DENR sa Philippine Coast Guard at mga residente kaugnayng oil spill.
Plano rin ng ahensya na kasuhan ang may-ari ng Singaporean vessel na hindi muna pinagalanan.
MOST READ
LATEST STORIES