Pagpapatupad ng nationwide curfew sa Sri Lanka pinalawig
Pinalawig ng Sri Lanka ang ipinatutupad na nationwide curfew matapos ang mga insidente ng karahasan ngayong linggo.
Isang lalaking Muslim ang pinagsasaksak hanggang mamatay noong Lunes sa kasagsagan ng pagwasak ng ilang rioters sa ilang mga tindahang pagmamay-ari ng mga Muslim at pag-vandalize sa mga mosque.
Ayon sa Sri Lankan police, nasa higit 70 katao na ang naaresto nila dahil sa mga karahasang ito.
Nanawagan ang United Nations nang mapayapang pagresolba sa problema at pagtakwil sa pagkagalit.
Iginiit ni military spokesman Sumith Atapattu na under control na ngayon ang sitwasyon at patuloy na inaaresto ang mga grupong nasa likod ng pag-atake.
Tumaas ang tensyon sa bansa matapos bombahin ng mga Islamist militants ang mga simbahan at hotel noong Easter Sunday na ikinasawi ng higit 250 katao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.