Caloocan Mayor Malapitan, naiproklama na

By Rhommel Balasbas May 16, 2019 - 03:57 AM SHARE(S):
FB photo

Pormal nang naiproklama si Caloocan City reelectionist Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan.

Landslide ang panalo ng alkalde matapos makakuha ng 430,137 na boto laban sa kanyang mga katunggali na may botong 2,382 hanggang 4,385 lamang.

Ito na ang ikatlo at huling termino ni Malapitan bilang alkalde ng lungsod.

Sa pahayag sa kanyang official Facebook page, nagpasalamat si Malapitan sa mga mamamayan ng Caloocan sa muling pagtitiwala sa kanya.

Samantala, umupo pa ring bise alkalde si Maca Asistio na walang kalaban at nakakuha ng 376,075 votes.

TAGS: caloocan, huling termino, landslide, Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan, naiproklama, caloocan, huling termino, landslide, Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan, naiproklama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.