PNP, tiniyak na walang banta sa seguridad ngayong holiday season

By Kathleen Betina Aenlle December 12, 2015 - 04:15 AM

July 27, 2015 PNP Director Ricardo Marquez inspects the security around Batasan during President Benigno aquino's last State of the Nation Address. INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ
INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na wala silang dapat ipagalala at ikatakot ngayong kasagsagan ng holiday season.

Ayon kasi kay PNP Director General Ricardo Marquez Jr., wala pa namang napapatunayang banta sa seguridad o ng terorismo ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Gayunpaman, nilinaw ni Marquez na kahit wala pang nauulat na credible threat, nananatiling nasa heightened alert ang pambansang pulisya.

Paliwanag niya, ang heightened alert ng PNP ay para sa dagsa ng maraming tao ngayon at hindi sa anumang banta ng seguridad.

Pagtitiyak pa ni Marquez sa publiko, sige lang at umarangkada sa pamimili dahil wala naman silang dapat ipag-alala kundi ang dami ng taong susuungin nila sa bawat lugar na madalas pinupuntahan ng mga tao.

TAGS: Philippine National Police, Philippine National Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.