Ayon kay Ejercito, naging malaking hamon ang pareho nilang pagkandidato sa parehong posisyon.
Bihira anya na boboto ng dalawa mula sa isang pamilya ng kandidato.
Dagdag ng Senador, kahit konsehal, board member o kagawad, kapag tumakbo ang magkapatid ay natural na mamimili ang botante o kaya ay malilito.
Sinabi pa ni Ejercito na naging kalat ang kanilang pamilya sa natapos na eleksyon kaya marami sa kanila ang talunan.
Batay sa huling partial, unofficial tally mula PPCRV-Inquirer transparency server, pang 13 si Ejercito habang nasa rank 15 si Jinggoy.
MOST READ
LATEST STORIES