JV Ejercito sinisi si Jinggoy sa rank nila sa senatorial race

By Len Montaño May 16, 2019 - 03:40 AM SHARE(S):

Sinabi ni reelectionist Senator JV Ejercito na ang pagtakbo ng half brother nitong si Jinggoy Estrada ang malaking problema kaya hindi siya makapasok sa Top 12 ng senatorial race.

Ayon kay Ejercito, naging malaking hamon ang pareho nilang pagkandidato sa parehong posisyon.

Bihira anya na boboto ng dalawa mula sa isang pamilya ng kandidato.

Dagdag ng Senador, kahit konsehal, board member o kagawad, kapag tumakbo ang magkapatid ay natural na mamimili ang botante o kaya ay malilito.

Sinabi pa ni Ejercito na naging kalat ang kanilang pamilya sa natapos na eleksyon kaya marami sa kanila ang talunan.

Batay sa huling partial, unofficial tally mula PPCRV-Inquirer transparency server, pang 13 si Ejercito habang nasa rank 15 si Jinggoy.

 

TAGS: jinggoy estrada, magkapatid, malaking problema, Senator JV Ejercito, senatorial race, sinisi, Top 12, jinggoy estrada, magkapatid, malaking problema, Senator JV Ejercito, senatorial race, sinisi, Top 12

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.