Hanggang 11:59 Miyerkules ng gabi, mayroong 1,361,983 votes ang ACT-CIS na suportado ng broadcaster na si Erwin Tulfo.
Ang ACT-CIS ang grupo na nakaabot na sa 1 milyon ang boto ayon sa Comelec na umuupong National Board of Canvassers (NBOC).
Ang nominee ng grupo ay sina Eric Yap, Jocelyn Tulfo na misis ni Raffy Tulfo at si Rowena Niña Taduran.
Narito ang party-list groups na sunod na nanguna:
Ako Bicol: 501,211
Bayan Muna: 498,599
Cibac: 356,729
Probinsyano Ako: 298,936
Ang Probinsyano: 296,500
1Pacman: 273,606
Senior Citizens: 246,696
Gabriela: 229,254
COOP-NATCCO: 218,054
Ang canvassed votes ay mula sa 89 certificates of canvass (COCs) o 53% ng clustered precincts.
Nasa 181 party-list groups ang naglaban sa 59 seats sa eleksyon.
Kailangang maka 2% ng buong party-list votes ang isang grupo para magkaroon ng seat sa Kamara.
Ang natitira sa 59 seats ay paghahatian ng party-list groups na nakakuha ng mahigit 2% na boto.