ACT-CIS party-list group nangunguna pa rin sa Comelec tally

By Len Montaño May 16, 2019 - 02:54 AM

Napanatili ng Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) party-list group ang pangunguna sa party-list race batay sa partial at official result ng Commission on Elections (Comelec).

Hanggang 11:59 Miyerkules ng gabi, mayroong 1,361,983 votes ang ACT-CIS na suportado ng broadcaster na si Erwin Tulfo.

Ang ACT-CIS ang grupo na nakaabot na sa 1 milyon ang boto ayon sa Comelec na umuupong National Board of Canvassers (NBOC).

Ang nominee ng grupo ay sina Eric Yap, Jocelyn Tulfo na misis ni Raffy Tulfo at si Rowena Niña Taduran.

Narito ang party-list groups na sunod na nanguna:

Ako Bicol: 501,211

Bayan Muna: 498,599

Cibac: 356,729

Probinsyano Ako: 298,936

Ang Probinsyano: 296,500

1Pacman: 273,606

Senior Citizens: 246,696

Gabriela: 229,254

COOP-NATCCO: 218,054

Ang canvassed votes ay mula sa 89 certificates of canvass (COCs) o 53% ng clustered precincts.

Nasa 181 party-list groups ang naglaban sa 59 seats sa eleksyon.

Kailangang maka 2% ng buong party-list votes ang isang grupo para magkaroon ng seat sa Kamara.

Ang natitira sa 59 seats ay paghahatian ng party-list groups na nakakuha ng mahigit 2% na boto.

TAGS: Certificates of Canvass, comelec, Erwin Tulfo, nangunguna, official, partial, Party-list, Certificates of Canvass, comelec, Erwin Tulfo, nangunguna, official, partial, Party-list

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.