LRT 2 nagka-aberya dahil sa problema sa ‘air pressure’

By Angellic Jordan May 16, 2019 - 02:19 AM

Balik na sa normal ang operasyon ng Light Rail Transit 2, Miyerkules ng gabi.

Sa abiso sa kanilang official Facebook account, sinabi ng pamunuan ng LRT-2 na naunang sinuspinde ang biyahe matapos makaranas ng technical problem.

Ayon kay Lyn Paragas-Janeo, huminto ang tren sa bahagi ng Betty Go-Belmonte Station bandang 7:28 ng gabi.

Ito aniya ay dahil sa ‘air pressure problem.’

Dahil dito, inabisuhan ang mga pasahero na gumamit ng alternatibong transportasyon.

Pasado 7:34 ng gabi nang muling umayos ang operasyon ng tren.

TAGS: aberya, air pressure, balik-normal, Betty Go-Belmonte Station, LRT 2, Lyn Paragas-Janeo, technical problem, aberya, air pressure, balik-normal, Betty Go-Belmonte Station, LRT 2, Lyn Paragas-Janeo, technical problem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.