PPCRV nais ma-access ang Comelec central server data

Hiniling ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na ma-access ang central server data ng Commission on Elections (Comelec).

Sa panayam sa command center sa Maynila, sinabi ni PPCRV chairperson Myla Villanueva na makatutulong ito para masuri kung magtutugma ang datos sa resulta mula sa transparency server.

Pormal na aniyang nagpadala ng letter of request ang PPCRV sa Comelec en banc.

Gusto aniyang makatiyak ng PPCRV na pareho ang mga nabibilang na boto.

Maliban dito, hihiling din ang poll watchdog ng ‘proper forum’ sakaling magkaroon ng aberya sa logs.

Read more...