Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, nagpalitan ng sweet birthday messages

By Len Montaño May 16, 2019 - 02:03 AM SHARE(S):

Nagpalitan ng matatamis na mensahe ang magkasintahan na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa para sa kani-kanilang mga kaarawan.

Unang nagdiwang ng kanyang birthday si Dennis noong May 12 at idinaan ni Jen ang birthday message nito sa aktor sa Instagram.

Nagpost ang aktres ng snapshot ng aktor at nagbigay ito ng maikli at sweet message sa birthday boy na sinamahan nito ng maraming emojis.

Sa kaarawan naman ni Jennylyn kahapon May 15 ay madadaming mensahe ang ipinarating ng aktor.

Ayon kay Dennis, umulan, bumagyo, gumuho man ang mundo ay sila pa ring dalawa ni Jennylyn.

Bagamat may kanya-kanya ng anak sa mga dati nilang karelasyon, lalong tumitibay ang pagmamahalan nina Jennylyn at Dennis.

TAGS: birthday greeting, Dennis Trillo, emoji, gumuho man ang mundo, Jennylyn Mercado, sweet message, birthday greeting, Dennis Trillo, emoji, gumuho man ang mundo, Jennylyn Mercado, sweet message

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.