7 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Zamboanga City

By Len Montaño May 16, 2019 - 01:26 AM SHARE(S):

Pitong katao ang nasugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Barangay Mercedes, Zaboanga City Miyerkules ng umaga.

Kabilang sa mga sugatan ang 4 anyos na batang lalaki na sakay ng tricycle at 6 anyos na angkas sa motorsiklo.

Ayon sa Zamboanga City Police Station 4, mabilis ang takbo ng motorsiklo kaya nabangga nito ang likurang bahagi ng tricycle.

Sugatan ang apat na pasahero ng binanggang tricycle.

Tinumbok din ng motorsiklo ang isa pang motorsiklo na binabagtas ang highway.

Nabatid na nakipag-areglo na lamang ang mga biktima at hindi na sinampahan ng kaso ang driver ng motorsiklo.

TAGS: 7 sugatan, areglo, karambola, motorsiklo, Tricycle, Zamboanga City, 7 sugatan, areglo, karambola, motorsiklo, Tricycle, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.