Malakanyang sa mga talunang kandidato: Hindi pa ‘end of the world’

By Chona Yu May 16, 2019 - 01:09 AM

Pinayuhan ng Palasyo ng Malakanyang ang mga talunang kandidato sa May 13 midterm elections na mag move-on na.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi pa “end of the world” para magmukmok na lamang ang mga talunang kandidato.

Kasabay nito, nagpasalamat ang Malakanyang sa mga lumahok sa eleksyon noong Lunes.

Lumaban aniya ng patas ang mga kandidato at nakipagsapalaran subalit hindi pinalad.

Nagsalita na anya ang mayorya ng mga Pilipino at dapat na sundin at igalang ito ng mga kandidato.

“Well, hindi ba, we have thank you for fighting a good battle. You tried your luck and you fought well. But as the rule of majority says, whoever triumphs will have to yield to that rule. Pero it’s not the end of the world for those who lost. I have so many friends who lost, mga personal friends. Pero ganiyan talaga ang buhay. Marami kasing … like in the local elections iba ang dynamics sa local eh. Grabe, ibang-iba,” pahayag ni Panelo.

TAGS: end of the world, May 13 elections, move on, Presidential spokesman Salvador Panelo, talunang kandidato, end of the world, May 13 elections, move on, Presidential spokesman Salvador Panelo, talunang kandidato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.