Malakanyang nakikipagbati sa oposisyon

By Chona Yu May 16, 2019 - 12:06 AM SHARE(S):

Peace offering ang alok ng Malakanyang sa mga taga oposisyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, panahon na para magkaisa ang taong bayan lalo’t tapos na ang eleksyon.

Malinis aniya ang hangarin ng Palasyo na pakikipag-kaibigan at magtulungan para sa ikauunlad ng bansa.

Nagsalita na aniya ang mayorya ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagluklok nila sa pwesto sa nakararaming kandidato ng administrasyon na tutulong para maisulong ang mga kapaki-pakinabang na polisiya at batas para sa kapakanan ng nakararami.

Nilinaw naman ni Panelo na hindi nila pipigilan kung meron mang pagtutol na ibubulalas ang oposisyon dahil karapatan nila ito.

TAGS: eleksyon, magkaisa, oposisyon, peace offering, Presidential spokesman Salvador Panelo, eleksyon, magkaisa, oposisyon, peace offering, Presidential spokesman Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.