San Miguel nagtala ng makasaysayang 5th straight Philippine Cup title; Fajardo, itinanghal na finals MVP

By Len Montaño May 15, 2019 - 11:55 PM SHARE(S):

Tinalo ng San Miguel ang Magnolia sa do or die Game 7 ng kanilang finals para magtala ng makasaysayang ikalimang sunod na Philippine Cup championship.

Kasabay nito ay itinanghal na finals Most Valuable Player (MVP) si June Mar Fajardo.

Pinangunahan ni Fajardo ang 72-71 victory ng beermen sa ginawa nitong 17 points at 31 rebounds.

Ito na ang ikatlong finals MVP award ni Fajardo matapos mag-average ng 22.9 points, 19.1 rebounds at 1.9 blocks sa series.

Habang si Alex Cabagnot ay nagtala ng 18 points kabilang ang matinding fadeaway jumper na dahilan ng ga-hiblang panalo ng San Miguel.

Ang bagong titulo ng Beermen ay pang 27 na championship overall ng koponan habang si Fajardo ay mayroon ng pitong PBA championships.

TAGS: Beermen, Champion, Game 7, Hotshots, June Mar Fajardo, Magnolia, MVP, PBA Philippine Cup, San Miguel, Beermen, Champion, Game 7, Hotshots, June Mar Fajardo, Magnolia, MVP, PBA Philippine Cup, San Miguel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.