Victor Perete iprinoklamang alkalde ng Daraga, Albay

By Angellic Jordan May 15, 2019 - 11:27 PM

Naiproklama na si Victor Perete bilang bagong alkalde ng Daraga, Albay araw ng Miyerkules.

Ayon kay Jasmin Cecilia Belarmino, election officer at chair ng municipal board of canvassers, nakakuha si Perete ng 24,616 na boto.

Ang katunggaling si Gertrudes “Gertie” Batocabe, biyuda ng pinatay na si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, ay nakakuha naman ng 19,859 na boto.

Si Gertie ang pumalit sa kaniyang asawa para sa mayoral race.

Samantala, nasa 16,564 naman ang nakuhang boto ng nakakulong na si Mayor Carlwyn Baldo.

Si Baldo ang itinuturing utak o mastermind sa pagpatay kay Batocabe at police escort na si Orlando Diaz noong December 22, 2019.

Mayroong kabuuang 75,413 na rehistradong botante mula sa 17 na clustered precinct sa lugar.

TAGS: Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, Albay, Daraga, Gertrudes Batocabe, iprinoklama, Mayor, Mayor Carlwyn Baldo, mayoral race, Victor Perete, Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, Albay, Daraga, Gertrudes Batocabe, iprinoklama, Mayor, Mayor Carlwyn Baldo, mayoral race, Victor Perete

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.