Malakanyang inaasahan ang pagkwestyon sa ‘Duterte magic’

Hindi na nagulat ang Palasyo ng Malakanyang sa pagkwestyun ng makakaliwang grupong Bayan sa kredibildiad ng katatapos na May 13 elections.

Pahayag ito ng Palasyo bilang tugon sa pagkwestyun ni Bayan Secretary General Renato Reyes sa tinatawag na “Duterte magic” at umanoy dayaan sa eleksyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, inaasahan na ng Palasyo ang mga batikos lalot natalo ang maraming makakaliwang party-list groups at mga kandidato mula sa oposisyon.

Paliwanag ni Panelo Ang “Duterte Magic” ay ang produkto ng performance, good governance at aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t ibang usapin, na siyang nakatulong sa tagumpay ng kaniyang mga pambato.

Ayon kay Panelo, ang mga paratang ni Reyes tulad ng umanoy paggamit ng administrasyon sa AFP at PNP upang i-harass ang mga opposition groups, paggamit ng government resources para sa mga pambato ng administrasyon at pagpapakalat ng maling impormasyon ay hindi naman nasuportahan ng kahit anong ebidensya.

Malinaw aniya na ang pagkatalo ng nasa kabilang bakod ay bunsod ng pagkagising ng taong bayan na puro kasinungalingan ang ipinupukol ng mga kritiko sa anti-drug war, extra judicial killings, South China Sea at iba pa.

Dapat aniyang magsilbing wake-up call sa oposisyson ang kanilang pagkatalo at pag aralang muli kung bakit sila natalo sa katatapos na eleksyon.

Read more...