Comelec: NPO dapat magpaliwanag sa imprenta ng mga voters information sheet
Nais ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na magpaliwanag ang National Printing Office (NPO) kaugnay sa sinasabing pag sub-contract nito sa mga inimprentang voters information sheet.
Ayon kay Guanzon, nakarating sa kanyang kaalaman na ipina sub-contract ng NPO ang pag imprenta nito sa Holy Family Printing Press.
Nasa P244 million anya ang kontrata sa pag imprenta ng VIS.
Paliwanag nito, kaya sila pumasok sa kontrata ng pagpapa imprenta sa NPO ay dahil sa kakulangan ng oras pero lumalabas na hindi NPO ang gumawa nito.
Sinabi ni Guanzon na labag sa COA rules ang pagpapa subcontract ng kontrata na pinasok ng NPO.
May mga mali anyang impormasyon ang naimprentra sa information sheet kung kaya nagdulot ito ng gulo sa mga botante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.