Heart Evangelista proud misis sa panalo ng mister bilang gobernador ng Sorsogon

By Angellic Jordan May 15, 2019 - 10:08 PM SHARE(S):

Binati ng aktres na si Heart Evangelitsta ang kaniyang asawa na si Senador Chiz Escudero matapos maproklama bilang gobernador ng Sorsogon.

Nanalo si Escudero matapos umani ng 303 thousand 960 na boto laban sa katunggaling si Vladimir Frivaldo ng PDP-Laban na nakakuha ng 31 thousand 867 na boto.

Sa Instagram, nag-post si Heart ng larawan ng proklamasyon kasama ang caption na, “Congratulations to my Governor Chiz Escudero.”

Ayon pa kay Heart, matapos ang mahabang panahon na panunungkulan sa Senado, oras na para tutukan naman ng kaniyang asawa ang Sorsogon.

Nabanggit pa aniya sa kaniya ni Chiz ang mga plano sa probinsya para maiangat ang turismo, agrikultura at mga programa sa sports sa kalusugan.

Kasunod nito, nangako si Heart ng buong suporta nito kay Chiz.

TAGS: gobernador, heart Evangelista, Sen. Chiz Escudero, Sorsogon, gobernador, heart Evangelista, Sen. Chiz Escudero, Sorsogon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.