Imbestigasyon sa mga kapalpakan sa halalan kasado na

Inquirer file photo

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System (JCOC-AES) kaugnay sa ilang mga naging isyu sa katatapos na halalan.

Sinabi ni Sen. Koko Pimentel, co-chair ng JCOC-AES na gusto na niyang pasimulan kaagad ang imbestigasyon pero nakiusap ang ilang mga kongresista na palampasin pa ang ilang araw bago ang gagawing imbestigasyon.

Base sa kanilang napag-usapan ay gagawin sa June 4 ang joint congressional probe.

Gustong alamin sa gagawing imbestigasyon ang dahilan ng pagkakaroon ng glitches sa pagpapadala ng election result mula sa iba’t ibang mga lugar.

Nais namang alamin ni Sen. Ping Lacson kung sino ang may kontrol sa transparency server at kung bakit mahinang klase ng mga SD card ang ginamit sa mga vote counting machines ng Commission on Elections o Comelec.

Nauna nang sinabi ng Comelec na bukas ang kanilang panig sa anumang imbestigasyon.

Read more...