Cebu Pacific hindi paparusahan sa cancelled flights

By Angellic Jordan May 15, 2019 - 04:28 PM

Inquirer file photo

Hindi pagbabayarin ng danyos ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang Cebu Pacific dahil sa pagkansela ng mga biyahe mula April 28 hanggang May 10.

Paliwanag ng Department of Transportation (DOTr), hindi ito ikinonsidera ng CAB dahil naabisuhan at naasikaso nang maayos ng airline company ang mga apektadong pasahero alinsunod sa Air Passenger Bill of Rights.

Sa halip, ipinag-utos ng CAB sa Cebu Pacific ang pagsusumite ng plano sa loob ng tatlumpung araw para maitama ang kanilang operasyon at maiwasan ang abala sa mga pasahero.

Inirekomenda pa ng CAB ang pagbibigay ng “stern warning” sa airline company para sa manatili ang matibay at dekalidad na air transport service sa publiko.

Samantala, sa inilabas na pahayag, umaano si DOTr Secretary Arthur Tugade na agad susunod ang Cebu Pacific sa kautusan ng CAB para maresolba ang isyu.

Matatandaang nasa 172 na one-way domestic flights ang nakansela mula April 28 hanggang May 10.

Dahil dito, umabot sa dalawampu’t dalawang libong pasahero ang naapektuhan ng flight cancellations.

TAGS: Air Passenger Bill of Rights, CAB, cancelled flights, cebu pacific, dotr, Air Passenger Bill of Rights, CAB, cancelled flights, cebu pacific, dotr

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.