Comelec payag sa technical audit at third party probe sa election result
Para hindi pagdudahan ang resulta ng katatapos na midterm elections ay handa ang Commission on Elections o Comelec sa isang third party open investigation.
Sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na payag siya na maibestigahan ang logs at iba pang record ng katatapos na halalan.
Ayos lang para sa nasabing opisyal ang technical audit para hindi mabahiran ng pagdududa ang ginagawa nilang pagbilang sa mga boto.
Muli ring tiniyak sa publiko ni Guanzon na walang dayaan kundi technical glitches lamang sa sistemang ginamit sa 2019 midterm elections na kanila na ring inaalam ang dahilan.
Nauna nang sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na nagkaroon ng problema sa pagpapada ng data mula sa transparency server tungo sa ilang media outlets.
Bukas rin ang Comelec sa gagawing imbestigasyon ng Senado hingil sa ilang mga reklamo sa katatapos na eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.