2 suspek sa pagsunog ng VCMs sa Jones, Isabela naaresto na

Nahuli na ang dalawang suspek sa pagsunog ng dalawang vote counting machines o VCM sa Brgy. Santa Isabel sa Jones, Isabela.

Ayon sa report na inilabas ng PNP Regional Office 2 ay nahuli kagabi si Rodel Pascul, 34 anyos, sa Brgy. Diarao sa isang hot pursuit operation.

Samantala, sumuko naman alas 9:30 ng umaga ng Miyerkules si Jayson Leanio sa Brgy. Captain ng Santa Isabel.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng PNP Jones ang dalawang suspek at isinasailalim sa interogasyon ng pulisya.

Natukoy ang pagkakilanlan ng dalawang suspek batay sa mga testigo.

Read more...