Lalaki arestado sa pagbibitbit ng mga bala sa MRT- 3

By Dona Dominguez-Cargullo May 15, 2019 - 01:04 PM

Inaresto ang isang lalaki matapos mahulihan ng mga bala sa North Avenue station ng MRT-3, Miyerkules, May 15 ng umaga.

Ayon sa MRT-3, dinakip ng mga pulis ang suspek na si Don Ray Adina, 36 anyos makaraang makita sa gamit nito ang isang magazaine at walong piraso ng mga bala.

Na-detect ang mga bala nang isailalim ang bag ni Adina sa baggage scanner.

Nang makita ang bala agad tinawag ng mga security personnel ang nakatalagang pulis sa istasyon.

Mahaharap si Adina sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Omnibus Election Code.

TAGS: mrt-3, north avenue station, suspect arrested, mrt-3, north avenue station, suspect arrested

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.