Warriors wagi kontra Blazers sa Game 1 ng NBA Westen Conference Finals

By Dona Dominguez-Cargullo May 15, 2019 - 11:41 AM SHARE(S):

Wagi ang Golden State Warriors kontra Portland Trail Blazers sa game 1 ng Westen Conference Finals ng NBA.

Tinalo ng Warriors ang Blazers sa score na 116-94 sa laban na ginanap sa Oracle Arena na homecourt ng Warriors.

Nakapagtala ng 36 na puntos si Steph Curry, 7 assists at 6 na rebounds.

26 na puntos naman ang naiambag ni Thompson.

Inabangan din sa nasabing laban ang paghaharap na magkapatid na sina Steph at Seth Curry.

Sa Sabado ng umaga oras sa Pilipinas magaganap ang game 2 sa pagitan ng dalawang koponan.

TAGS: Game 1, NBA, Western Conference Finals, Game 1, NBA, Western Conference Finals

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.