Dating Viva Hot Babes member na si Jaycee Parker nanalong konsehal sa Angeles City

By Dona Dominguez-Cargullo May 15, 2019 - 11:29 AM SHARE(S):

Nanalong konsehal sa Angeles City, Pampanga si Jaycee Parker, dating miyembro ng Viva Hot Babes.

Sa kaniyang post sa Instagram, nagpasalamat si Parker sa lahat ng sumuporta at tumulong sa kaniyang kandidatura.

Nagtapos sa ikaapat na pwesto si Parker na nakakuha ng 57,834 votes, ayon sa partial at unofficial results ng botohan sa Angeles City.

Si Parker ay tumakbo sa ilalim ng ABE Kapampangan local party na pinamumunuan ni outgoing Angeles City Mayor Ed Pamintuan.

Ang mister ni Parker ay si outgoing Angeles City councilor Jericho Aguas na ex-husband naman ng pumanaw na aktres na si Isabel Granada.

TAGS: Angeles City, jaycee parker, Pampanga, Angeles City, jaycee parker, Pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.