Anak ni Ronnie Dayan ipinaaaresto dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig sa
Ipinag-utos ng korte sa Quezon City ang pag-aresto sa anak ni Ronnie Dayan – ang dating driver/bodyguard ni Senator Leila de Lima.
Si Hannah May Dayan ay ipinaaaresto ng korte dahil sa kabiguan niyang humarap sa ipinatawag na pagdinig para tumestigo laban kay De Lima sa kaso niyang may kaugnayan sa ‘disobedience to summons’.
Ang nasabing kaso ni Si De Lima ay kaugnay sa utos umano nito kay Dayan na huwag humarap noon sa congressional hearings hinggil sa illegal drug trade.
Si Hannah May umano ang kinausap ni De Lima para sabihan si Dayan na huwag sumipot sa kamara.
Dahil sa hindi pagdating sa korte ni Hannay ay naglabas na ng warrant of arrest si QC Metropolitan Trial Court Branch 34 Judge Ma. Ludmila De Pio Lim.
Inaatasan sa nasabing warrant of arrest ang sheriff sa Urbiztondo, Pangasinan na dalhin sa QC court si Hannah May.
Sa pagdinig ngayong umaga ng Miyerkules sinabi ng abugado ni Hannah May na si Atty. Heidi Soriano na tatlong buwang buntis ang kaniyang kliyento at sensitibo ang kondisyon.
Pero hindi tinanggap ng korte ang medical certificate na dala ng abogado ni hannah May dahil hindi ito notarized.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.