Pop singer na si Justin Timberlake proud sa pagtatapos ng doctorate degree sa Berklee College of Music

By Jimmy Tamayo May 15, 2019 - 10:58 AM SHARE(S):

Proud na proud ang singer na si Justin Timberlake sa kanyang pagtatapos ng Doctoral Degree in Music sa kilalang Berklee College of Music sa Massachusetts.

Sa kanyang Instagram account, ibinida ng 38-year old pop singer na isa na siyang doktor.

“No Dream is too big!!! Keep chasing!!! Trust me…I’m a DOCTOR!! But, for real…THANK YOU to @berkleecollege for this incredible honor – I’m very humbled and grateful.” Ayon sa caption ng kanyang IG post.

Sinabi ni Timberlake na matagal na niyang pangarap ang makapagtapos sa kolehiyo.

Naging emosyonal din ang singer nang magpasalamat sa kanyang asawang si Jessica Biel at sa inang si Lynn Bomar Harless.

Kasabay ni Timberlake na nagtapos ang rapper na si Missy Elliot at ang composer na si Alex Lacamoire.

TAGS: Berklee College of Music, doctorate degree, justin timberlake, Berklee College of Music, doctorate degree, justin timberlake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.