PAGCOR nagremit ng P16.17B cash dividends sa National Treasury

PAGCOR Photo
Matapos mahigitan ang P100-billion Kinita noong 2018, muli ay nakapagtala ng kasaysayan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ito ay nang mag-remit ang PAGCOR ng kabuuang halagang P16.17 Billion cash dividends sa National Treasury noong May 14,2019.

Ang naturang pinakamataas na one-time cash dividends remittance ay halos pumantay sa pinagsamang dibidendo ng state-run gaming agency na aabot sa P17.16 billion mula 2011 hanggang 2017.

Ipinaliwanag ni PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo na kada taon ay nagreremit ng cash dividends ang PAGCOR sa Pambansang Pananalapi salig sa Republic Act 7656 na nag-oobliga sa lahat ng government-owned and controlled corporations (GOCCs) na mag-remit ng hindi bababa sa limampung porsiyento ng kanilang taunang kita sa National Government.

Sinabi ni Domingo, ang cash dividends ay bahagi lamang ng mga inireremit ng PAGCOR sa gobyerno.

Read more...