Suppliers ng VCM, VRVM at SD cards ipatatawag ng Comelec para pagpaliwanagin
Ipatatawag ng Commission on Elections ang mga supplier ng mga pumalpak na kagamitan sa kataapos na 2019 midterm elections.
Ang supplier ng Vote Counting Machines (VCMs) na S1 ay subsidiary ng isang malaking kumpanya, habang ang supplier naman ng mga Voters Registration Verification Machine (VRVM) ay ang “Gemalto” na isang Italian company pero may ka-partner dito sa Pilipinas.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na maraming lugar kung saan nakaranas ng problema sa VRVM.
Umabot naman sa mahigit 1,000 ang pumalyang SD Cards na kinailangang palitan ng Comelec.
Ito aniya ang dahilan kaya may mga presinto na hindi nakapagbukas ng tama sa oras at bumagal ang proseso ng botohan.
Aminado naman si Jimenez na nagsisisi ang Comelec en banc sa pagpili sa lowest bidder para sa SD cards.
Sinabi ni Jimenez pagpapaliwanagin ng Comelec ang mga supplier ng mga gamit na pumalya sa susunod na dalawang linggo.
Tatapusin lamang aniya ng Comelec ang proklamasyon sa mga nagwaging kandidato at pagkatapos ay ipatatawag na ang mga supplier.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.